Umuulan na naman. Malakas. Tapos may hampas pa ng malakas na hangin. Natural malamig. Kaya nga naka-jacket ako ngayon. Teka, kahapon din pala ay naka-jacket din ako. Maginaw sa opisina eh. At habang tanghalian kung saan ang iba sa mga bossing ko ay kumakain, natutulog, at nanonood ng telebisyon, ako naman ay natutulala sa ulan. Ang sarap panoorin. Para silang mga kaluluwang bumabagsak mula sa langit. Ang gaan sa pakiramdam.
Oo nga pala, katatapos ko lang kumain. Imbes na dito na lang ako sa loob ng opisina kumain eh nakuha ko pang lumabas kahit na ang lakas ng buhos ng ulan . Hindi naman sa gusto kong mabasa pero, ewan ko ba, di ko din alam eh. At ayun nga ang nangyari, kahit na may payong akong dala eh naging biktima pa din ng tubig ang ibabang bahagi ng pantalon ko at ang sapatos kong "water proof" daw.
Bigla kong naalala nung bata pa ako. Sa tuwing bubuhos ang ulan ng ganito ay walang anu-ano ay lalabas ako at maliligo sa ulan. Ang bata nga naman. Walang inaalala. Walang pakundangan. Hindi magpapagil. Ganun ako noon. Masaya dahil nababasa ng ulan. Tapos pu-pwesto pa sa may bagsakan ng alulod ng aming bahay at itatama ang uluhan sa bumabagsak na tubig. Malamig pero masarap sa pakiramdam. Lalo na't kasama mo pa ang mga kababata mong halos araw-araw mong kasama, kakwentuhan at kung minsan, kaaway mo pa. May dala ka pang tabo at balde, at kung ubod ka ng sosyal at yaman, may pa-water-water gun ka pa. Oopps. Biglang dumaan sa likuran ko ang ka-opisina ko. Anak ng?! Sabay pindot ko sa minimize. Ayoko lang ng may nakakabasa sa ginagawa ko. Naiilang talaga ako. Hay, salamat sa kanya at nawala ako sa konsentrasyon.
Teka, bakit nga ba ako nagta-type pa din dito? Kaunting minuto na lang eh trabaho na ulit ah. Buti na lang at malakas ako sa mga bossing ko. Ang kapal. Ulan, ulan, ulan... Ayan, tumigil ata.
Kaya pala di diretso ang tulog ko kagabi. Walang humpay pala ang iyak ng kalangitan. May bagyo ba? O kahit ang mga nasa itaas ay nagda-drama din kung minsan? Malay natin. Lahat naman siguro ng bagay ay may emosyon. Naniniwala ako dun. Walang pakialaman ah. Ay, may bagyo nga daw sabi ni Vic Sotto sa Eat Bulaga.
Biglang pumasok sa aking kaisipan ang isang pangyayari sa akin nitong nakaraang taon. May mga nangyaring kakatwa, malungkot, at kung minsan, kataka-taka. Pero itong karanasan na 'to ang pinaka-paborito ko sa lahat. May tao akong nakilala at oo, umuulan din nun. Nung una eh di ko naman pinapansin na parang may pattern kapag magkikita kami. Pero siya na mismo ang nagsabi nung huli kaming magkita na sa tuwing umuulan lang kami nagkikita tapos pag biglang titigil ang ulan, wala na. Magic. Lupet noh? May karanasan akong ganun at hindi ako nagbibiro. Di ko din masabi na multo yung taong yun pero nakapagtataka sya eh. O baka ako ang multo? Layo naman ata. Kaya ko naman nasabi yun eh dahil sa nung huli ko syang nakita eh kumain kami sa isang mamahaling restoran tapos nakaupo pa kami malapit sa glass window. Dumaan pa nga nun ang mga kaklase ko, kinawayan ko sila tapos di ko alam kung napansin nila ako o hindi -- o kahit ang kasama ko. Kahina-hinala naman eh halos ilang dipa lang ang layo namin sa kanila. Parang yung glass window lang ang nakaharang at hindi naman tinted ang salamin eh di na ako/kami napansin. Ano kami, cloaked? Parang Hary Potter lang na may invisibility cloak? O baka naman may kinalaman ang ulan-ulan na yan? Ang gulo di'ba? Teka, may rain fairy ba? May urban legend ba tungkol dun?
Baka 'yan ang epekto pag masyadong may pagkagusto sa tubig. Yung tipong nakatanga lang sa bintana, pinapanood at pinakikinggan ang ulan. Ganun nga pala ako mula nung bata ako kung kaya't ang bilis lumipas ng oras kahit iyon lang ang ginagawa ko. Kung ang lahat nga ng bagay ay may emosyon at nakakadama, baka napansin nga ako ng ulan na nakatitig lang sa kanya. Marahil ay naramdaman niyang masaya akong nanonood habang siya ay pumaparito sa lupa na animo'y parang isang dalagang sasayaw sa entablado o isang pintor na sinusubukang iguhit muli ang mundo. Sabay palakpak ng aking mga kamay.
Tumila na ang ulan pero wala pa din ang team leader namin. Ang tagal naman ng lunchbreak niya. Hahahaha! Buti na lang at wala masyadong ginagawa at may pa-merienda pa sila mamaya. Buti na lang. Ayan, kakain na pala kami. Oh siya, magdala ka ng payong para di ka mabasa.
Teka, nawawala ang payong ko!

0 comments:
Post a Comment