Magandang araw!
Ito ang kwento ko ngayon. Di ba alam mo naman yung kasabihan na "It's better to give than to receive"? Totoo talaga! Masaya kasi ako 'pag nakakatulong ako sa iba -- kahit di ko pa kakilala yung pagbibigyan. Basta, masarap sa pakiramdam. Kung tutuusin, totoo din pala yung "The best things in life are free". 'Di ko na kailangan pang bumili ng kung anu-ano pang mga materyal na bagay para lang sumaya ako. Kahit nga yung simpleng makakita lang ako ng magandang binibini, masaya na ako. Kakaiba, ano?
Okay, ito na talaga ang kwento ko. Noong isang linggo dito sa opisina, habang may binili ako sa labas, lumapit sa'kin yung isang matanda na laging nakikita ko sa tuwing papasok ako at sa tuwing uuwi na ako. Matanda siyang babae. Basta, kahit ganun itsura niya, pakiramdam ko ang bait niya. Biruin mo, 'pag umaga, babati siya sa'kin ng "Good morning" tapos kapag uuwi naman ako, "Oh, uwi ka na? Ingat ah". Tapos, lagi pa siya nakangiti kahit na mahirap lang siya. Ayun nga, nakasalubong ko siya nun tapos humingi siya sa'kin ng dalawang piso. Eh, dahil sa nagmamadali ako, nabigyan ko siya ng limang piso. Simpleng bagay lang yun pero kita ko sa kanya na tuwang-tuwa siya. Ang gaan talaga sa loob nung mga panahon na yun. Pero para nga akong ewan nun eh. Limang piso lang ang ibinigay ko samantalang 'di lang naman yun ang kaya kong ibigay. Iba talaga ang epekto pag accountant na, masyadong matipid.
Ops, di pa dun nagtatapos ang kwento ko. Nung biyernes ng umaga habang tinatahak ko ang Shaw Blvd., nakasakay ako sa dyip. Siguro naranasan mo na din ito. Yung mga batang paslit na umaakyat ng dyip tapos may mga dalang sobre para manlimos? Naaalala mo ba yun? Lagi ako nakakasakay ng ganun pero nung umaga na yun, naawa ako dun sa umakyat na dyip. Batang lalaki na kuba. Talagang kuba. Payat. Di pa talaga kumakain, ang wari ko. Ako naman, may binili ako sa isang convenience store ng ham and cheese sandwich na dapat yun ang almusal ko kasi ayaw ko pang gumastos ng malaki habang di pa natatapos ang inaasikaso ko nung araw na yun. Kaya yun, kahit di pa ako nag-almusal, binigay ko dun sa bata. Tuwang-tuwa siya. Nakatingin nga sa'kin yung ibang mga pasahero nung dyip eh. Ewan. Parang mas mukhang may kaya pa sila kaysa sa'kin pero di nila tinulungan yung bata. Ganun pa man, masaya ako dun sa ginawa ko.
At yun nga, nakatulong ako sa dalawang di ko kakilala.
Ang pabuya? Sa totoo lang, di ko naman naghangad ng kapalit eh. Pero masyadong misteryo para sa atin kapag ang Diyos ang gumawa ng paraan.
Nag-enroll ako para sa isang certification program para sa career ko. Ang mahal ng bayad kahit na nakatipid pa ako. Bale, isang buwan na puro sabado ang klase ko. Tapos, buong araw pa. Noong isang araw yung unang araw ko. Oo, madali naman para sa'kin kasi nga sanay na sa mga ganung accounting problems eh. Tapos, nung uwian na nung klase, tinawagan ako ng tatay ko. Kasama daw niya yung kapatid ko. Kaya ayun, pinuntahan ko sila sa isang mall. Pagdating ko dun, nakita ko ang isang bagay na di ko akalain na magkakaroon ako ngayong taon. Isang digital piano. Walang biro. Isang itim na piano. Sorpresa daw pala sa'kin ng tatay ko yun. Ewan ko kung pa'no niya nalaman na gusto kong magkaroon nun kahit na di ako marunong tumugtog. Marahil sinabi sa kanya yun ng kapatid ko. Kaya ayun, nagpasalamat ako sa kanila. Nagulat kasi talaga ako. At hindi lang yun, binigyan din niya ako ng bagong relo. Aaminin ko sa'yo ah, gusto ko talaga ang mga relo. Talagang hindi yun nakakalimutan ng tatay ko.
Naalala ko bigla yung mga natulungan ko, tapos biglang sambit ko sa sarili ko na may balik din sa'kin. Ten-folds pa! Masaya ako, siyempre. Masaya dahil may bago na akong relo. Masaya dahil nagagamit ko na ang piano ko at malapit ko ng ma-perpekto ang isang kanta na gusto kong tugtugin. At huli sa lahat, masaya ako dahil nakakatulong ako -- kahit simpleng bagay lang.
2 comments:
Blog hopping. I like the way you write. Will be following your blog (using my dormant blogger account) from now on. :)
@Lizzie Berr, you just made my day! Thanks a bunch, sweets. =)
Post a Comment