Heto ang isang artikulo na aking ginawa para sa araw na ito. Tungkol ito sa mga tao o sitwasyon na nilagyan ko ng depinisyon na sa aking opinyon ay nararapat sa kanila. Masyado syang sensitibo pero sa aking palagay ay magugustuhan mo naman. Kakatwa ang ilan, ang iba ay seryoso.
1) Ano ang tawag sa kartero na kumakatok pa ng pinto para lang iabot ang sulat na dala kahit na may mailbox naman sa gate?
Sagot? Tanga.
2) Ano ang tawag mo sa isang tao na nakasakay sa LRT, suot ay shorts, naka-T-shirt na animo'y di pinlantsa, naka-tsinelas, mukhang di naligo, pero may iPod Touch at headset na nakakabit sa tainga nya at nagmamayabang?
Sagot? Pulubi.
3) Eh ano naman ang tawag mo sa lalakeng nagkakagusto sa ibang lalake pero pag tinanong mo naman kung bakla o hindi, ang sasabihin lang ay "Hindi ah.."?
Sagot? Tagong bading.
Lalake 1: "Kumain ka na ba?"
Lalake 2: "Mamaya pa ako."
Sagot? Bayani.
4) Eh ang tawag sa isang empleyado ng SM na makakasakay mo sa isang PUV. Naka-uniporme, pero may iPhone at panay ang pindot?
Sagot? Feeling rich.
5) Ito napakadali lang. OJT ka ngayong summer break pero kailangan pa ring magbayad ng tuition sa school, may miscellaneous at laboratory fee pa. Ang masaklap dun, hindi ka pupunta sa school para mag-OJT dahil hindi dun ang OJT mo. Ano ang tawag dun?
Sagot? Kurapsyon!
6) Paano mo ipapaliwanag ang kumento ng isang lokal na artista na gusto nyang magkaroon din ng naturang Royal Wedding?
Sagot? Ambisyosang panget.
7) Eh ang pagtatanong ng oras sa isang tao tapos ang isasagot sa'yo ay, "Tanghali na..."
Sagot? Hindi edukado.
8) Yung mga babae naman sobrang arte sa pagsasalita ng "parang" o "para"?
Sagot? Hampaslupa.
9) Ano naman ang bansag sa mga taong sumasali sa isang fraternity na may hazing na nagaganap?
Sagot? Suicidal.
10) Eh yung mga napapanood nating mga sikat na kumakanta sa telebisyon o sa enteblado ngunit ni isang kanta ay wala namang naisulat o naiambag pero panay ang release ng album?
Sagot? Videoke King/Queen.
11) Ang tawag sa mga taong pumupunta sa sinehan para manood ng isang lokal na pelikula na gawa ng isang TV network na kung saan ay puro love story ang tema?
Sagot? Uto-uto.
12) Yung taong panay ang lagay ng kanyang status sa isang sikat na social networking site na kung saan puro patungkol sa pag-ibig?
Sagot? Hopeless romantic.
13) Isang babaeng nagpauna ng magsabi na hindi sya maka-cellphone pero nang lumabas kayo para mag-date, puro pindot sa cellphone, text dito, text doon, panay ang tawag. Ano ang tawag?
Sagot? Baliw.
14) Eh ang babaeng gumawa ng isang Book Club pero ayaw magbasa ng isang kwento galing sa internet eh meron din naman syang blog na kung saan gumagawa sya ng babasahin?
Sagot? Isang napakalaking TANGA!
15) Paano naman yung panay ang kontra sa RH bill? Ano naman ang itatawag sa kanila?
Sagot? Mga takot mawalan ng koleksyon.
At dahil puro negatibo na ang nailalagay ko...
Ano ang tawag sa isang sitwasyon na may kasama kang babae, kumain kayo, nanood ng sine, pumunta sa isang bookshop, nailaglag mo ang isang libro, tumingin ka sa kanya, tumigil ang oras, tumitig sa mga mata nya, kinilabutan at nakadama ng saya; ngunit sa paglipas ng panahon di ka na nya maalala?
Sagot? PAG-IBIG!
Maraming salamat sa pagbasa mga minamahal kong mambabasa. Nagustuhan o hindi? Maaari kang mag-kumento sa ibaba? :)
________________________
I wrote this as fast as I could.
It's almost 2am in my clock but I managed to have this one before I sleep.
Sometimes, my ideas are so unpredictable. They just popped out and poof!