Hindi Dala Ang Payong

"Hindi Dala Ang Payong"

Hindi ako makaiimik o makagalaw,
Sa bawat ngiti mong ako ay nasisilaw;
Tunay nga bang marikit ang sadyang paglitaw,
Ng mga alaalang kay hirap ibitaw?

Dala ko ay kwaderno sa aking pagtakbo,
Matuling paglisan sa tahanang alabok;
Yagyag ang mundong asul sa pagtatalukbong,
Nakaraang gwardiyado ng daang hukbo!

Ang nagbabadyang konsepto, itong karimlan,
Kumakapit, binubura ang nakagisnan;
Dito ba o doon sa daang minamasdan,
Huwad silang tulay pipiliin nino man.

Payong kong nawala at nabaon sa limot,
Siya sanang hahadlang sa paglitaw ng poot;
Aninong umaangkin at gustong humablot,
Handa ka din bang -- habambuhay na malungkot?

¡Tweet!

:)

Search

 

Followers

Iifa Tree Copyright © 2011 | Tema diseñado por: compartidisimo | Con la tecnología de: Blogger