Kwentong pang-miyerkules. Na naman.
Oo, di ka nagkakamali sa nakikita mo. Isang video nga 'yan. Sa katunayan, nang dahil sa maikling pelikulang pinamagatang 5 Centimeters Per Second (anime ito ha?) na napanood ko ilang araw na ang nakakalipas, na-LSS ako sa kantang "One More Time, One More Chance" na siya mismong naturang awitin sa pelikulang ito. Aaminin ko, nalungkot talaga ako sa kinalabasan ng palabas na ito. Marami din siguro sa inyong mga nakapanood nito ang di maaring itangging tinamaan siya ng mga linya at tagpong tila wala nang mas lulungkot pa. A slice of life, ika nga.
Pansin ko lang, ito na pala ang ikalawang entrada ko para sa pelikulang nabanggit. Ano ito? Promotion? Hindi. Hindi po. Minahal ko lang talaga ng lubos ang istorya, ang musika, at ang mga linya. Tumatak sa isip at puso ko, kumbaga.
Hindi din ako in-love. Ang labo ata nun. Hindi na yun ang inuuna ko ngayon. Trabaho na, at mas lalong dapat sa karera. Pero maaring masabing mong in-love nga ako dahil sa ginagawa kong ito. Marahil, tama ka. Ngunit alam mo ba, kung ano talaga ang dahilan? Hindi yun dahil sa may mahal akong bagong babae; kundi nang dahil sa pelikulang ito, napamahal ako sa bansang Japan. Ang kultura nila, ang puno ng sakura, ang mga tren, lahat. Dahil sa palabas na ito, nalimutan kong pinoy ako.
O ganun talaga ang nararamdaman 'pag naapektuhan masyado? Malay ko ba. Ewan.
Maiba ako, kaarawan ng kapatid ko kanina (September 6, o sige kahapon na). Maligayang kaarawan sa kanya! Wala kaming litrato na nakuha para okasyong ito kasi nalimutan namin ang kamera. Kumain lang namin kami sa isang restawran. Okay na iyon.
Nasabi ko pala sa kanya na gusto kong pumunta sa Japan kasama siya 'pag ka-graduate niya. Kunsabagay, parang regalo ko na 'yun sa kanya. Naku, malaki-laking pera iyon. Ako ang financier eh! Natahimik ako isang saglit at napaisip. Gusto ko din kasing makakita ng snow pero 'di winter 'pag April. Kaya ang dilemma, pupunta ng Japan sa Abril na makakakita ako ng magagandang puno ng sakura ngunit walang niyebe? O sa Disyembre na mayroong niyebe pero walang nakakaakit na bulaklak ng sakura? Ang lungkot naman. Trade-off! Opportunity costs! Accounting na naman!
Di bale. All is well!

Maraming salamat kay blogger totomai para sa mga ideya na naibahagi niya sa'kin hindi lamang sa pelikula kundi na rin sa bansang Japan. At oo, siya din ang nagbigay ng link ng video na nasa itaas. Ang bait niya di'ba? Arigatou Gozaimasu, senpai!
Kasabay nito ang pagtugtog ng kantang "Find the Way" ni Mika Nakashima at pagbaba ng telon. Tutulo ang mga luha -- luha para sa kinabukasan.
10 comments:
Hindi ako makarelate.hahaha. :)
^Wahahaha! Kapag may oras ka michy, panoorin mo yung pelikula. 1hr lang iyan. :)
Salamat sa pagbisita!
Naku, wag mo akong masyadong asahan sa panonood. Yung marami nga akong nakalineup pero wala akong time manood!haha! :)
^Watch once in a while. Siguro mga isang movie pag Saturday o Sunday. Entertaining din naman eh. Wag ka masyado sa music! Hahaha! Peace! =)
haha. pede ka naman punta april at december e. :-) 5 cm/s (speed ng lagas ng cherry blossoms) :-)
Hello totomai! Salamat sa pagdalaw. Nag-iipon na po ako para pumunta ng Japan kahit na travel lang. Sa April next year ang target ko. Pilitin ko talaga ng April 2012. I hope to see you there! =)
niyebe o sakura? ang hirap ng choices!
^Hello Miss Madie! Dilemma talaga! Kung pwede lang na pareho. haha!
Salamat sa pag-bisita. :)
Yes sir, mukhang favorite mo nga to.. :)naiintriga ako sa film na yan.
^Hello keith! Halata na ba? Hahaha! Try to watch it and you'll see why. :) Thanks for visiting.
Post a Comment