Oo, mahirap. Mahirap ang mag-aral ng propesyong ito. Sandamakmak na mga libro, ga-bundok na papel na gamit para sa pag-solve ng mga accounting problems, at nakapapayat na stress -- ay iilan lamang sa mga produkto ng pagpasok sa propesyong ito. Masaya naman kahit mahirap. Sweet torture, ika nga. Kahit magkahalu-halo na ang mga rules na kailangang tandaan, isa-isip, at sa isa-puso, okay pa din. Kaya pa...kaya pa. Apat na taong pakikipag-patintero kay kamatayan nung kolehiyo para di matanggal sa accountancy program tapos ngayon pa susuko? Nakakaasar naman ata yun. *sigh* Para san pa ang pinagsisikapan kong pangarap? Mawawala na lang?
Ang pinakamahirap na exam daw ang Law dahil nga siguro na walang pagpipilian (multiple choice) na mga sagot para sa mga tanong. Sanaysay kasi ang isasagot dun kapag Bar Exam. At isa pa, Korte Suprema ang nangangasiwa sa eksaminasyong yun.
Sa CPA Licensure exam, iba naman. May mga pagpipilian naman kaso kung di maingat ang sasagot, yari siya. May mga pagpipilian kasi na akala mo na yun ang tamang sagot tapos di naman pala. May isa pang sitwasyon na mararamdaman mong "you are torn between two...answers (not lovers)". Yun ang nakakatawa sa lahat. Pero kung alam mo ang konsepto at tanda mo ang rule para sa tanong na yun, simple na lang. Kaso, masyadong maraming RULES sa pag-aaral ng accounting. Sadyang marami.
Pito ang mga subjects na kailangang aralin para makapasa sa CPA Board Exam. Ito ay ang:
- Management Services
- Business Law and Taxation
- Theory of Accounts
- Auditing Theory
- Auditing Problems
- Practical Accounting 1
- Practical Accounting 2
Paborito ko ang Practical Accounting 2. Sa katunayan pag may mga quizzes/exams kami nung kolehiyo pa ako, magaganda ang mga lumalabas na resulta. Minsan ay ako pa nga ang pinakamataas. Pero bonus na sa akin yun. Gusto ko lang talaga yung subject na yun. Mechanical lang kasi at wala masyadong rules na tatandaan. Pero, sige ka, yun ang naturingang killer subject sa pito.
Una akong kumuha ng CPA exam nung isang taon (October 2010). Di ako pumasa. Pero di din naman ako bumagsak. Na-conditioned ako. Ibig sabihin? Kailangan kong kunin ulit ang mga subjects na may grado akong mababa sa 75%. Dalawa ang mga subject na yun sa kaso ko. Practical Accounting 1 at Practical Accounting 2. Yung sa P1, tanggap ko pa. Di ko naman talaga hilig ang subject na yun. Marahil ay dahil na rin sa propesor namin nung kolehiyo ako na akala mo kung sino at halatang hindi alam ang itinuturo.
(...after exam.)Professor : Mga hindi kasi kayo nagbabasa kaya ang baba ng grado niyo.
Ako: Nagbabasa kami. Hindi lang kapareho at kaliteral ng binabasa mo.
Nadismaya ako ng malaman kung di ko man lang nai-75% ang P2. 63% ang nakuha ko dun at yun ang pinakamababa ko sa pito. Paborito ko pero iniwan ako sa ere. Paborito ko ngunit pinabayaan ako. O kaya naman ako ang nagpabaya? Nakakapanghinayang man, dahil 88% ang pinakamataas ko, kailangan kong mag-aral ulit. Kailangang ipasa na. Kailangang malagpasan na.
Saan na ba ako ngayon? At nasaan na ba sila? Ang mga kaibigan ko na wala pa ata sa sampu, di ko na sila nakikita. Yung isa, nars na. Kapapasa lang. Yung isa, nasa Baguio, may 3DS na. Yung dalawang malapit sa akin, wala kaming komunikasyon. Kinukumusta ko naman pero wala. Zero backlog. Solo akong haharap sa Mayo. Solo lang. Hep, kasama pala ang water jug ko -- ang naturingan kong kasangga, karamay, at kung anu-ano pa.
Gusto kong makita ang mga kaibigan ko para maramdaman ko na may kaibigan ako. Pero kung ayaw, okay lang. Sana lang kung nasan man sila, kung ano man ang ginagawa nila, maabot sana sila ng mensahe ko. Na kahit kailan, kahit saan, kahit iilan lang sila, at kahit ilang tao pa ang makilala ko bukod sa kanila; iniaalay ko ang mga makakamtan ko sa buhay para sa inyo.
Miss ko na kayo...
~BWC~LAR~JO~JPC~MKT
at kay RDR, na hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapagtanto kung ikaw ay talagang aking nakilala o isa ka lamang panaginip. Ang mensahe ko sa'yo ay...isa kang manhid. (Parang sinabihan ko ata ang sarili ko. Tinamaan kasi ako.)
May the Father of Understanding guide me.
1 comments:
Goodluck sa exam!! Oct 2010 din first exam ko, lowest subject ko din ang p2, expected ko na yun.. Although nakakagulat na naka-73 pa din ako.. konti na lang yan, CPA ka na din.. God Bless!!!! :)
-maki
Post a Comment