Friday Quiz I

Ngayon ko sisimulan ang naisip kong ideya na tatawagin kong Friday Quiz. Siguro parang mga repleksyon ko ito sa nagdaang linggo para pag-isipan ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa aking isipan o sadyang napapansin ko lang sa mga bagay na nakapaligid sa'kin. Maaring kakatwa o kakaiba, ngunit kung sadyang gusto mong sagutin ang ilan sa aking mga tanong, pwedeng mag-kumento po kayo sa ibabang bahagi ng aking blog. Maraming salamat po!

At narito na nga ang aking mga katanungan para sa linggong ito. Ta da!

  1. Bakit ang kuripot ko na ngayon? Dati-rati naman ay gastos lang ako ng gastos.
  2. Bakit walang matinong anagram sa pangalan ko? Common kasi ng pangalan eh.
  3. Kailan kaya ako magiging State Alchemist?
  4. Matatapos ko na kaya mamaya yung Orbit na libro? 5 pages na lang ata eh.
  5. Bakit ako nagagandahan sa boss ko? Weird naman.
  6. Bakit ang daming pinoy na tanga? Kinuha na nga ng manager ng isang fastfood chain ang order mo tapos pagdating sa counter, tinanong pa ulit. Eh nakasulat na nga sa papel.
  7. Bakit puro love story ang konsepto ng mga programa sa telebisyon at pelikula dito sa pilipinas? Di ba yun nakakasawa? Wala na bang ibang ideya?
  8. Bakit laging epal ang simbahan? Hindi ba talaga nila maiiwasang makialam sa isyu ng bansa?
  9. Bakit ako asar na asar kila Kris Aquino at Mariel Rodriguez?
  10. At bakit sa lahat-lahat ng nakita ng boss ko, eh ako ang gustong pagawain ng thesis para sa pamangkin niya? Badtrip...

¡Tweet!

0 comments:

Post a Comment

:)

Search

 

Followers

Iifa Tree Copyright © 2011 | Tema diseñado por: compartidisimo | Con la tecnología de: Blogger